chito - oldest blog

Thursday, December 30

 

Reunion

reunion kagab ng Ines&Ressurecion. kaya di ako nagsims..halos wala nga ako kakilala dun eh.. nakipaglaro nalang ako sa mga bata.. hehe. eniwei, ung lugar, katapat ng simbahan malapit sa delmonte ata o amoranto.. basta banda dun.. tapos pumasok kami sa bahay... grabe ang LAKI as in! Di ko alam may kamag-anak pala kaming ganun kayaman!!! tapos, sumakit ang noo ko kaka-bless sa mga tito tita lolo lola ate kuya... madami sakanila ayaw tumanda kaya beso-beso lang at shake hands.... dyahe!! pagkatapos nun, kumain na kame.. eto nakakainis:

nakakuha na ako ng upuan katabi ung mga kapatid ko, tapus pumila na ako sa table, tapos pagbalik ko nakaupo na dun ung tita ko!!! ARRRGH papatayin ko sila! buti nalang pinaupo MUNA ako ng pinsan ko sa upuan niya... hehe, eniwei, ala na ko paki sa upuan... may pumunta na nagcacaroling dun.. ang galing may nagba-banduria, double-bass, guitar, grabe nakakaaliw ung double-base!! pati banduria!! daming strings!

tapos, may mga sosyalan pa ang matatanda... parang sila lang naman ang nagreunion.. hayyy. dapat nagsims nalang ako... hindi ko pa nggwa ung homework sa english.. tapos project sa MAPEH...[di kasi ako gini-c bago mag xmas break eh!!] taPos pati sa pinoy!!!! waaaa cram na akooo!!!! hehehe, sige ang plano ko ngaun magsims ako 1-3 hours tapos project time na!

si mia.. katext ko nanaman.. ermm.... walalang,, masaya akooo

@dana: next tym naaa! busy ako sa sims ehh!

website na ztig:
modthesims2
dito ako naghahanap ng hacked objects para sa sims2.





<< Home

Archives

11/01/2004 - 12/01/2004   12/01/2004 - 01/01/2005   01/01/2005 - 02/01/2005   02/01/2005 - 03/01/2005   03/01/2005 - 04/01/2005   04/01/2005 - 05/01/2005   05/01/2005 - 06/01/2005   09/01/2005 - 10/01/2005  

This page is powered by Blogger. Isn't yours?