chito - oldest blog
Tuesday, March 1
hospital
mother mother i am sick
call the doctor very quick
doctor doctor shall i die?
tell my momma not to cry
naiinis talaga ako, bakit pa kasi ako nagmidnightsnack ng aligi ng talanka eh?! ano ba naman?! matagal na ako kumakain nun eh bakit ngayon lang ako nagkaallergy..
para sa mga hindi nakakaalam, absent ako ng 2 araw dahil sa pesteng hypersensitivity/allergy/ewan!! naiinis talaga ako sa sarili ko... nagising ako nng saturday, punoong puno ng pantal ung katawan ko... akala ko lang talaga pinutakte lang ako ng mga lamok.. un pala eh allergy na!! kinagabihan, pumunta kami sa ER ng Fort Bonifacio General Hospital, ininjectionan ako ng antamine?? ewan, basta parang benadryl na de-injection... first time ko mainjectionan for 5 years or so.... ang galing! nagtataka ako kung bakit ako umiiyak noon eh hindi naman pala masakit...
tapos, pinauwi na kami.. akala ko ookey na pakiramdam ko... un pala LUMALA PA!! ARGH! tapos, haaay, bumalik kami sa hospi... muntikan na nga ako ma-himatay [kuno] nung papunta kami... nasusuka na ako... tapos, ininjectionan ulit ako ng antamin... aun... walang nanyari, kaya dinextrose ako... ang buong pangalan: 5% DEXTROSE IN LACTATED RINGER'S... ewan ko kung ano yan.. pero ang alam ko isotonic ang ringers.... DIBA? tapos, medyo nagsubside... nag IR [ewan ko kung tama ung term... bsta iinjectionan ung suero mo... ] ako, pagkakarinig ko, STEROID, ewan ko ba.. pero sabi ni doc, tataba daw ako... T___T sayang nman ung effort ko ng pagppapayat...tapos, pinpanood ko ung labas-pasok sa ER.. una muna, may lalaking may lagnat na rinesetahan ng cotrimoxasol [ewan ko ung spelling.. naririnig ko lang naman eh..] tapos, may lalaki pa na may allergy, ininjectionan, umalis.. tapos may babaeng hindi makahinga na inadmit maya maya.. tapos may isa pa na allergic naman sa dinuguan.. akala nung asawa may hypertension kaya pinainum ng gamot... NAGKALOWBLOOD! hehe, parang comedy nga eh, pero naawa ako... may oxygen tank pa sila na kaylangan,... tapos, sa ER na rin ako nakatulog, isa pang dose ng steroidsomething, tapos medyo nagsubside... ETO NA!
nung dinner na, pinakain ako ng chicken... DI MAN LANG SINABI SAAKIN NA BAWAL AKO SA MANOK! amf, kaya ayon, bumalik nanaman ang mga pesteng pantal kaya inadmit na ako sa DEPENDENT'S/PEDIATRIC WARD.. sosyal ung kwarto ko.. 2 kama lang... AS IN KAMA LANG. walang tv... aircon meron,... tapos ayun,, medyo naglalaro ang mga pantal ko ng hide and seek... DEPRESSED NA TALAGA AKO, GUSTO KO NA UMUWI NUN... kaya hayon,..medyo naiinis na ako...
ALAM KO NABOBORE NA KAYO KAYA FAST FORWARD NALANG NATIN..
osige, nung madaling araw, nagkaroon ako ng roomate na 3y/o na bata.. nakalimutan ko na ung name, basta ang problema niya sa tiyan, nagtatae daw tapos ang taas ng lagnat,,, walalang,, MAGALING NA AKO NG TYM NA YAN, pero oobservahan pa daw ako... tsk... kaya ABSENT AKO NG TUESDAY EH.. nakakainis,,,, ang rami ko hahabulin...
ALAM KO NABOBORE NA TALAGA KAYO KAYA FAST FORWARD NALANG NATIN..
ayan nakauwi na ako.. tapos! KAYA 3 araw ako hindi naligo! WAHAHA, osige babay maliligo na ako...
Archives
11/01/2004 - 12/01/2004
12/01/2004 - 01/01/2005
01/01/2005 - 02/01/2005
02/01/2005 - 03/01/2005
03/01/2005 - 04/01/2005
04/01/2005 - 05/01/2005
05/01/2005 - 06/01/2005
09/01/2005 - 10/01/2005
